Daan-Daang Dahilan Lyrics - Razorback
Ilan taon na akong nawala?
Pasensya na’t ako’y bagong gising
Ako’y manhid nung ako’y naidlip, ngunit rining ko ang ‘nyong mga tinig
Para bang ika’y may nililihim, matalas pa sa isang patalim
Ano ba ang ‘yong ibig sabihin?
‘Lang babalikan at tatapusin?
Chorus:
Daan-daang araw ang nagdaan
‘Di ka dumalaw kahit kailan
Daan-daang sagot o dahilan
Ni ‘sang katwiran walang nadatnan
Kaluluwa ko’y wasak at sugat
‘Di ko na susubukang gamutin
Spagkat ako’y nagpapaalam
Maigi na ring wala kong alam