Kayanihan Lyrics - The Kayanihan Project

Kayanihan Lyrics - The Kayanihan Project

Dati lagi akong bina-bangungot
Nagtitiyaga sa maliit na kumot
Noon hindi sagana
Kumakalam sikmura
Barya sa bulsa’y pinagkakasya

Kung dati sa iba lang umaasa
Ngayon kakayaha’y kinikilala

Maayos na'ng higaan
Bahay ay may hagdanan
Nadarama na natin ang ginhawa

Chorus
Buksan mo ang iyong mga mata
Harapin mo bagong umaga
Ang pagbabago’y nasa sa atin
Natutupad na pangarap natin
Kay ganda na parang musika
Ang bansa na nagkakaisa
Sa habang buhay ingatan natin

Rap
Ngayo’y matatagpuan mo na sa bayan mong sinilangan
Lahat ng kailangan sandata mong panglaban
Upang makibaka sa buhay para sa pamilya
Pagkain sa lamesa at liwanag sa bumbilya
Ilaw, tubig, libro, eskuwela
Ikaw ang susi para makawala sa kadena
At kandado ng kahirapan sipag ang kailangan
Tama na ang sisihan, turuan at kadahilanan
Pinoy kilala ka ng kahit anong lahi
Buhatin man ang gaano kabigat ay di mababali
Malapit na ang araw, abot tanaw mo na
Isa lamang ang bayan natin at wala nang iba pa
Kahit saan makarating hahanap-hanapin pa rin
Ang ‘yong pinanggalingan ay walang tigil mong mahalin
Dahil ako, kayo, ikaw, sila
Para sa bagong Pilipinas ay dapat magkaisa
Kayanihan para sa bagong Pilipinas ay dapat magkaisa
Kayanihan

Chorus
Buksan mo ang iyong mga mata
Harapin mo bagong umaga
Ang pagbabago’y nasa sa atin
Natutupad na pangarap natin (2x)

Kay ganda na parang musika
Ang bansa na nagkakaisa
Sa habang buhay
Ingatan natin

Rap
Malapit na ang araw abot tanaw mo na
Isa lamang ang bayan natin at wala nang iba pa
Dahil, ako, kayo, ikaw, sila
Para sa bagong Pilipinas ay dapat magkaisa
Kayanihan





Disclaimer

All lyrics are property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes only.

Counter